By

Umiwas sa nag-counterflow na sasakyan, trak tumagilid

Sharing is caring!

Aksidenteng tumagilid ang isang 22-wheeler truck sa kahabaan ng P. Burgos St. sa Lungsod ng Maynila kaninang umaga.

Dahil sa pangyayari, nagkalat sa kalye ang karga nitong softdrinks na nakalagay sa dalawang container van na karga ng trailer.

Ipinaliwanag ng driver ng truck na may biglang sumulpot umanong sasakyan patungo sa kanyang lane kaya iniwasan niya ito na naging sanhi para tumagilid ang kanyang sasakyan.

Bahagyang nasugatan ang driver at pahinante nito pero wala namang ibang nadamay sa aksidente maliban sa nagdulot ito ng matinding trapik sa lugar.

Dadalhin sana ang softdrinks sa pier at ibibiyahe papunta sa mga probinsiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?