10
views
bylines-milky-rigonan
By

Umiwas sa circus

Sharing is caring!

Marami ang bumilib sa concern ni Senate President Tito Sotto sa kalagayan at kung ano na ang sitwasyon ngayon sa Camp Crame Custodial Center ni Senator Leila de Lima.

Without fanfare, dinalaw kamakailan si Sotto sa Camp Crame at inalam ang kundisyon ni de Lima.

Halos dalawang taon na rin nakakulong si de Lima at kung makatutulong si Sotto na magampanan ng Senadora ang kanyang legislative duties kahit nakakulong sa Custodial Center, bakit ang hindi.

Request ni Sotto sa Philippine National Police na payagan si de Lima na makapagdaos ng mga committee hearing sa loob ng Custodial Center ng Camp Crame.

Tiniyak ni Sotto na susunod ang Senado sa regulasyon ng PNP sakaling pagbigyan ang kanilang request.

Sabi ni Sotto, anim na major bills ang naipasa na sa 3rd and final reading sa Kamara. Pero ang counterpart bill na inakda ni de Lima ay nakatengga pa sa Senado dahil walang committee hearing.

Hirit ni de Lima na pagbigyan siya na makapag-hearing kahit sa loob ng Custodial Center para maipasa ang mga sumusunod: Public Solicitations Act, Magna Carta of Day Care Workers, Emergency Volunteer Protection Act, Social Welfare and Development Agencies Act at Rural Employment Assistance Act.

Pero sagot ni PNP Chief General Oscar Albayalde, korte ang may hurisdiksiyon kay de Lima.

Bukod dito, may dalawang kaso na nadesisyunan na ng Supreme Court: “all prisoners whether under preventive detention or serving final sentence cannot practice their profession nor engage in any business or occupation or hold office, effective or appointive, while in detention. This is necessary consequence of arrest and detention”.

The Court in Jalosjos, further added that: election to the position of Congressman is not a reasonable classification in criminal law enforcement. The functions and duties of the office are not substantial distinctions which lift him from the class of prisoners interrupted in their freedom and restricted in liberty of movement.Lawful arrest and confinement are germane to the purposes of the law and apply all those belonging to the same class”.

Sagot naman ni Sotto, pag-aaralan niya ang options kung papaano uusad ang pagpapatibay ng mga bill matapos hindi payagan si de Lima na makapagsagawa ng committee hearing.

Posible rin naman na umiwas din ang PNP sa scenario na magiging mistulang circus sakaling payagan na magkapag-committee hearing si de Lima sa loob ng Custodial Center.

Sa istilo ni de Lima, di maiiwasan ang drama at eksena sakaling matuloy ang committee hearing nito.

Bukod dito, kahit “maliliit” lang mga bill na pending sa kanyang kumite, hindi maiiwasan na dadagsain ang committee hearing sa Custodial Center kaya mag-e-effort ang PNP para sa kanyang security.

Mas maiintindihan din ng taongbayan na pagka-abalahan muna ng PNP ang pagresolba sa mga sunod-sunod na karahasan at problema sa illegal drugs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?