1,249

Sep 15, 2021 @ 21:40
By

Umiwas nga ba sa BIR? JaMill todo paliwanag sa binurang YouTube channel

Nagpaliwanag ang YouTuber couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o “JaMill” kung bakit binura nila ang kanilang YouTube channel na may 12 million followers.

Ito ang pasabog nila sa unang episode ng bago nilang YouTube channel nitong Miyerkoles.

Sey ni Camille, siya ang nag-delete ng kanilang original YT channel dahil sa problema nila sa relasyon ni Jayzam.

Gusto rin daw i-test ni Camille kung kakapit pa rin si Jayzam sa relasyon nila kahit wala na silang YouTube channel.

Ayon naman kay Jayzam, nagalit siya kay Camille pero mas nangibabaw sa kanya ang pagmamahal niya rito.

Naisip daw nilang mag-vlog ulit dahil sa mga fan na nami-miss sila.

Matatandaang sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hahabulin pa rin nila ang isang couple vlogger kahit binura pa ang channel nila.

Ayon sa BIR, hindi excuse ang pagbura ng YT channel para makaligtas sa pagbabayad ng buwis.

Sinasabing sa loob lang ng dalawang taon ay kumita ang JaMill ng P50 milyon hanggang P100 milyon sa kanilang YouTube channel kaya naniniwala ang BIR na ang dahilan kaya binura ng dalawa ang kanilang channel ay upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

Panoorin ang unang vlog ng JaMill sa bago nilang YT channel:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?