22
shabu5
By

Umiihi sa poste, kelot huli sa droga

Sharing is caring!

Imbes na paglabag sa ordinansa ay buking sa droga ang kasong kinahaharap ngayon ng isang lalaki matapos mahulog ang itinatagong droga sa bulsa nang sitahin dahil sa pag-ihi sa poste, kamakalawa ng gabi sa Marikina Cty.

Nakakulong ngayon sa Marikina detention cell si Jabar Juano y Lampasa, 25-anyos, single, walang trabaho at residente ng 15 Road 1 Barangay Tañong, Marikina City at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 11 ng R.A 9165 o illegal drugs act sa Marikina City Prosecutor’s Office.

Batay sa report, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riders Unit (TMRU) ng Marikina City Police sa pangunguna ni SPO3 Marvin Cruz, chief ng TMRU, nang mamataan ang isang lalaki na umiihi sa poste bandang 10:20 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Liamson St., cor Pambuli St., sakop ng Barangay San Roque, Marikina City.

Nang hanapan ng Identification Card (ID) ang suspek ay nahulog umano ang dalawang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu mula sa kanyang bulsa kaya agad na inaresto ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?