7

By

Umento sa tobacco tax malabo nang maisabatas – Sotto

Sharing is caring!

Sinabi ni Senate President Tito Sotto na mahihirapan nang maisabatas pa ng kasalukuyang ika-17 Kongreso ang panukalang batas para sa pagtataas ng buwis sa mga tobacco product o sa sigarilyo.

Ipinunto na nakabitin pa ito sa komite at maaaring maipit na dahil magiging abala na ang Senado sa paghimay sa panukalang pambansang badyet para sa 2019 at papasok na rin ang panahon ng eleksyon.

Nakabimbin sa Senate Committee on Ways and Means ang panukalang batas para sa umento sa tobacco tax na inakda nina Senador JV Ejercito at Senador Manny Pacquiao.

Ginarantiyahan naman ni Sotto na hindi man ito maisabatas, mapopondohan pa rin ng gobyerno ang Universal Health Care (UHC) Bill na inaasahang magiging batas sa Disyembre.

Tambak umano ang badyet ng Department of Health (DOH) at dito maaaring kunin ang badyet para sa UHC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?