26

By

Umento sa sahod ng mga guro, isama sa 2019 national budget – ACT Teachers

Sharing is caring!

Hinimok ng ACT Teachers partylist si Pangulong Rodrigo Duterte na atasan si Budget Secretary Benjamin Diokno para pondohan ang dagdag-sahod ng mga guro at ng lahat ng rank-and-file na kawani ng gobyerno sa ilalim ng panukalang 2019 national budget.

Ginawa nina ACT Teachers partylist Reps. Antonio Tinio at France Castro ang pahayag kasunod nang pagtiyak ng Pangulo na tataasan ang sweldo ng public school teachers sa ilalim ng kanyang termino.

“It’s high time to go beyond promises and to actually walk the talk by issuing marching orders to Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno to include funds for government pay hike in the administration’s proposal for the 2019 budget,” giit ni Tinio.

Ayon naman kay Castro, matagal nang hinihintay ng mga guro ang sapat at makatuwirang umento na malayo sa kakarampot na ibigay ng nagdaang administrasyong Aquino na hinata pa sa apat na tranches.

“We demand the immediate implementation of a P30,000 entry-level salary for public school teachers and P16,000 as the minimum salary for employees in the government service,” sabi ni Castro.

Dagdag pa ng kongresista, dapat may malinaw na halaga at timeline si Pangulong Dutert kung kailan ang salary increase para sa mga guro, at mas magandang simulan na ito sa deliberasyon ng pambansang pondo sa susunod na taon.

Sa kanyang talumpati sa Davao City, sinabi ng Pangulo na sunod niya nang itataas ang sahod ng mga guro bagama’t hindi daw maaaring doblehin dahil hindi kakayanin ng budget.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?