36

Jun 23, 2022 @ 15:01
By

Umatake sa pamilyang Fil-Am arestado na

Arestado na ang umatake sa Pilipinong pamilya sa North Hollywood fast-food parking noong nakaraang buwan.

Kinilala ang suspek na si Nicholas Weber, 31-anyos.

Sinampahan siya ng kasong felony battery causing serious bodily injury and misdemeanor battery.

Siniwalat ng korte na marami na itong criminal record sa Los Angeles. Nakulong ito sa kasong pagnanakaw, karahasan, at ilang mga violation.

“While it will take time for the Roque family and the community to heal, Weber’s arrest is one step towards bringing justices for the Roques,” pahayag ni Atty. San Roxas, abogadong ng pamilyang Roque.

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?