149

Jun 20, 2021 @ 10:49
By

Umapaw injured player! Lakers pinalayas head trainer

Hindi na muling pinapirma ng kontrata ang head athletic trainer ng Los Angeles Lakers na si Nina Hsieh.

Ayon ito sa report ng ESPN, kung saan sinabing hindi na babalik si Hsieh, na naging kauna-unahang babae na athletic trainer para sa isang championship team.

Ang pagtanggal kay Hsieh ay kasunod ng 1st round playoff exit ng Lakers, kung saan karamihan sa kanilang player ay binagabag ng injury.

Bukod kay Alex Caruso at Kentavious Caldwell-Pope, isa sa mga lubhang tinamaan ay si Anthony Davis na ilang segundo lang naglaro sa kanilang huling game kontra Phoenix Suns.

Bukod pa dito, sa regular season ay 26 laro nagarahe si LeBron James, na posibleng naging dahilan kung bakit bumagsak sila sa play-in tournament bago makapasok sa playoffs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?