1,029

By

Umano’y panggigipit kina De Lima, Trillanes, iimbestigahan ng IPU

Sharing is caring!

 

Magpapapadala ng delegasyon sa Pilipinas ang Inter-Parliamentary Union (IPU) para imbestigahan ang diumano ay panggigipit ng Duterte administration kina Senadora Leila de Lima at Senador Antonio Trillanes IV.

Nakasaad ito sa dalawang resolusyon na inaprubahan sa pagsasara ng 139th IPU Assembly sa Geneva, Switzerland noong Oktubre 18.

Ang IPU ay samahan ng parliyamento o kongreso ng 178 bansang kasapi, kabilang dito ang Pilipinas.

Sinabi ng IPU na kailangan nilang muling bisitahin si De Lima dahil nakababahala umano ang pagtrato rito na ‘immoral woman’ at ‘guilty’ na sa kasong ipinaparatang dito.

Inulit din nila ang panawagan na palayain si De Lima at nanawagan kay Senate President Tito Sotto na manindigan at suportahan ang nakakulong na senadora.

“The Senate has a special responsibility to help ensure that its colleagues participate in its deliberations and speak out when they face reprisals for their work,” saad ng resolusyon ukol kay De Lima.

Sa bukod na resolusyon, ipinahayag ang pagkabahala sa pagbuhay ng mga kasong rebelyon at coup d’etat at pilit na pagpapakulong kay Trillanes para umano ito mapatigil sa pagbanat sa administrasyong Duterte.

Dahil dito, magpapadala ang IPU ng observer sa paglilitis ng kaso ni Trillanes.

“[The IPU] wishes to receive detailed information from the relevant authorities on the factual and legal grounds justifying Proclamation No. 572; decides a trial observer to closely monitor legal proceedings with regard to their compliance with international fair trial guarantees,” sabi sa resolusyon ukol kay Trillanes.

Binatikos naman ng IPU ang mga senador at kongresista mula sa Pilipinas na dumalo sa kumperensya pero hindi nakipagpulong sa Committee on the Human Rights of Parliamentarian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?