111
npa3
Nov 12, 2019 @ 14:51
By

Umano’y NPA sumuko sa Cagayan

Sumuko diumano sa mga awtoridad ang isa umanong squad leader ng Central Luzon ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa lalawigan ng Cagayan.

Pinangalanan ng Philippine Army (PA) 502nd Infantry Brigade commander B/Gen. Lawrence Mina ang sumuko umanong rebelde na si alyas “Marboro.”

Ayon kay Mina, isinama ni Marboro sa kanyang pagsuko ang dalawang M-16 armalie rifle at mga bala nito, apat na pampasabog, bandolier, handheld radio, detonating cord ng explosive device at subersibo umanong dokumento ng NPA.

Sinabi ng sundalo, kasama raw si Marboro sa mga nakasagupa ng mga tauhan ng 95th Infantry Battalion sa Sito Diwagden, San Jose, San Mariano, Isabela noong Oktubre 24, 2019.

Sa pagsisiyasat ng PA, sinabi ni Marboro na ang kanyang grupo ang sangkot umano sa tangkang pagpapasabog sa Bio-Ethanol Plant sa San Mariano, Isabela.

Nagpasya umano ang NPA leader na kusang magbalik-loob sa pamahalaan matapos siyang maipit sa naganap na sagupaan.

Ayon sa umano’y rebelde, isa sa mga dahilan ng kanyang pagsuko ay ang kawalan ng suporta ng kanyang nakakataas na opisyal ng NPA at pinababayaan na sila sa pagkain sa kabundukan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?