16

Oct 8, 2021 @ 22:38
By

Umandal, ‘Pinas olats

Kapos ang tig-7 points nina Joshua Umandal at Mark Alfafara para sa Rebisco na tumilapon sa Sirjad Foulad Iran, 15-25, 22-25, 5-25, sa opening day ng 21st AVC Asian Men’s Club Volleyball Championship 2021 sa Terminal 21 Hall ng Nakhon Ratchasima sa Thailand Biyernes.

Wala sa Philippine club team sina Marck Jesus Espejo at Bryan Bagunas na pumapalo bilang mga import sa 55th V.League 2021-22 sa Japan, para sa mapaklang simula ng mga Pinoy volleybelle sa Pool B prelims.

Ito ang unang torneo ng PH 6 matapos ang makasaysayang pagsungkit ng silver medal sa 2019 Southeast Asian Games sa ‘Pinas.

Sunod na makakatuos ng Rebisco ang AGMK Uzbekistan ngayong Sabado ng alas-11:00 nang umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,