23

Nov 24, 2021 @ 16:44
By

Umaming madrama: Kathryn pinasalamatan si Daniel sa pag-intindi

Hindi lang sa pelikula o palabas madrama si Kathryn Bernardo, kung hindi pati na rin sa totoong buhay.

Inamin ito ng aktres sa isang Instagram reels na ibinahagi nito, makikita sa video ang pag-dub ng aktres sa audio na “Am I the drama?”

“Is it me? Am I the drama? I don’t think I am the drama. Maybe I am. Am I the villian? I don’t think I’m the villian,” saad sa nasabing audio.

Tila ito ang mensahe ni Kathryn sa kaniyang kasintahan na si Daniel Padilla.

Pinasalamatan naman ng aktres sa kaniyang caption si Daniel sa pagiging maintindihin.

“I have my days.. mwahaha! Thanks for being understanding @supremo_dp,” caption nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?