By

Umali: Walang fishing expedition sa reklamo kontra Sereno

Sharing is caring!

Dumepensa si House justice committee chairman Reynaldo Umali sa mga puna na fishing expedition ang nangyayari sa pagdinig ng komite nito sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Itoý matapos lumabas sa unang hearing sa determination of probable cause na walang personal knowledge ang complainant na si Atty. Larry Gadon sa mga alegasyon nito kay Sereno, bukod pa sa wala o kulang ang isinumite niyang mga dokumento at ebidensya.

Ayon kay Umali, hindi matatawag na fishing expedition ang ginawa nila dahil parte ng papel ng justice committee na i-substantiate ang reklamo dahil nasimulan na ang proseso.

“We have initiated this, we have found sufficiency in form and substance of the case and then there are sufficient grounds so now is the time to substantiate,” paliwanag ng kongresista.

Bagama’t aminadong hindi ginawa ni Gadon ang trabaho nito na lipunin ang kailangang mga affidavit, sinabi ni Umali na hindi ibig sabihin na ihihinto na nila ang impeachment proceedings.

“Kami naman we are quiet flexible ano, hindi naman porke’t wala yon we will dismiss this,” ayon kay Umali.

Pero tiniyak nito na sa sandaling gumawa ang komite ng konklusyon sa impeachment case laban sa punong mahistrado ay suportado ito ng mga ebidensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?