375
reynlado-umali
By

Umali positibong maipagpapaliban ang Barangay, SK elections

Sharing is caring!

Binalewala ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ang deklarasyon ng liderato ng Senado na hindi na uubrang maisabatas ang panibagong pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections kahit pa apurahin ito ng Kamara.

Sinabi ni Senate President Koko Pimentel na wala nang dahilan para i-postpone na naman ang halalang pang-barangay at SK habang sinabi naman ni Senate Majority Leader Tito Sotto na wala nang panahon para sa naturang panukala at hindi rin ito sinusuportahan ng mga miyembro ng Mataas na Kapulungan.

Pero hindi kumbinsido rito si Umali dahil nagawa nga aniya sa Kamara na maaprubahan ang bill.

“Eh sabi niya ‘yun, eh kami nga isang araw and then siguro ito matatapos namin eh. ‘Pag gusto may paraan; ‘pag ayaw may dahilan. Ganun kasimple lang ‘yun,” ani Umali.

“Kung bibilisan nila dun, narinig naman nila sinabi ni Presidente ‘di ba? Congress will be blamed if narco-politicians set in the barangay and SK elections. On our part ayaw namin masisi,” dagdag ng kongresista.

Positibo pa rin ang mambabatas na maipagpapaliban ang eleksyon kahit pa walang kaparehong panukala ang naihain sa Senado.

Katuwiran nito, puwede namang may maghain ng bill at maaprubahan sa Lunes, at mailusot ito sa 3rd reading sa Martes o Miyerkoles ng susunod na linggo bago mag-adjourn ang Kongreso para sa Holy Week break.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?