19

Nov 12, 2020 @ 13:01
By

Ulysses napanatili ang lakas; Signal No. 3 sa 5 lugar

Napanatili ng Bagyong Ulysses ang kanyang lakas at ngayo’y nasa West Philippine Sea silangan ng Zambales na.

Sa 11 a.m. severe weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), Nobyembre 12, sinabing huling namataan ang sentro ng bagyo sa 85 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.

Gumagalaw ito pa-kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hangin na 130 kph malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 200 kph.

Sabi pa ng Pagasa, mararanasan hanggang mamayang hapon ang “heavy to intense with at times torrential rains” sa Zambales, Bataan, Pampanga, at Tarlac.

“Moderate to heavy with at times intense rains” naman ang papatak sa Cordillera Administrative Region, mainland Cagayan Valley, Babuyan Islands, CALABARZON, Metro Manila, Mindoro Provinces, Marinduque, at natitirang bahagi ng Central Luzon.

Habang makararanas ang Visayas at natitirang bahagi ng Luzon ng “light to moderate with at times heavy rains.”

Posibleng bumaha, gumuho ang lupa, at bumuhos ang lahar sa malakas o matagal na pag-ulan.

Samantala, may posibleng storm surge na aabot sa 3 metro ang taas sa baybaying dagat ng Aurora, northern Quezon kabilang ang Polillo Islands, Cavite, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, at Zambales; aabot naman sa 2 metro ang taas sa baybaying dagat ng Isabela, La Union, Pangasinan, Batangas, natitirang bahagi ng Quezon, Marinduque, at hilagang bahagi ng Mindoro Provinces kabilang ang Lubang Island.

Ayon pa sa state weather bureau, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa:

– kanlurang bahagi ng Pangasinan (Bayambang, Bautista, Alcala, Santo Tomas, Malasiqui, Santa Barbara, Mangaldan, Dagupan City, Basista, San Carlos City, Calasiao, Binmaley, Urbiztondo, Mangatarem, Aguilar, Bugallon, Lingayen, Labrador, Infanta, Mabini, Sual, Dasol, Burgos, Alaminos City, Agno, Bani, Bolinao, Anda)
– Zambales
– Bataan
– Tarlac
– Pampanga

TCWS No. 2 naman sa:

– Metro Manila
– gitna at timog na mga bahagi ng Isabela (Mallig, Quirino, Ilagan, Roxas, Burgos, Gamu, Palanan, San Mariano, Dinapigue, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Cauayan City, San Mateo, Alicia, Angadanan, Echague, Jones, San Agustin, San Isidro, Ramon, Santiago City, Cordon)
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– timog na bahagi ng Ilocos Sur (Cervantes, Quirino, San Emilio, Lidlidda, Santiago, Banayoyo, Candon City, Galimuyod, Gregorio Del Pilar, Salcedo, Santa Lucia, Santa Cruz, Sigay, Suyo, Tagudin, Alilem, Sugpon)
– La Union
– natitirang bahagi ng Pangasinan
– Aurora
– Nueva Ecija
– Bulacan
– Cavite
– Rizal
– Laguna
– Batangas
– hilaga at kanlurang mga bahagi ng Quezon (Mauban, Pagbilao, Tayabas City, Lucena City, Sariaya, Candelaria, San Antonio, Tiaong, Dolores, Lucban, Sampaloc, Real, Infanta, General Nakar) kabilang ang Polillo Islands
– northwestern na bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro)
– northwestern na bahagi ng Occidental Mindoro (Paluan, Abra de Ilog) kabilang ang Lubang Island

Nakataas naman ang Signal No. 1 sa:

– natitirang bahagi ng Isabela
– Kalinga
– Abra
– natitirang bahagi ng Ilocos Sur
– natira sa hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Baco, Calapan City, Naujan, Victoria, Pola)
– natira sa hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Mamburao, Santa Cruz)
– gitnang bahagi ng Quezon (Gumaca, Macalelon, Pitogo, Unisan, Agdangan, Plaridel, Atimonan, Padre Burgos, Quezon, Alabat, Perez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?