131

By

Ultraelectromagneticpop! ng Eraserheads, muling ilalabas

Sharing is caring!

Bilang paggunita sa 25th anniversary ng Eraserheads, nakatakdang umere sa Spotify at iba pang digital platforms ang debut album ng grupo na Ultraelectromagneticpop!.

Sa Instagram post ng frontman nitong si Ely Buendia, magre-release sila ng remastered na 25th anniversary edition ng nasabing album sa Biyernes, November 23.

“Relive the memories of this groundbreaking Filipino music milestone,” ani Buendia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?