17

Aug 13, 2020 @ 20:39
By

Ultra Lotto jackpot papalo sa P307.2M

Aabot sa P307.2 milyon ang inaasahang jackpot prize para sa Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa PCSO sa kanilang official Facebook page, tinatayang P307.2 milyon ang mapapanalunan sa gaganaping Ultra Lotto draw sa August 14.

Binobola ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Samantala, P10.3 milyon naman ang jackpot estimate sa Mega Lotto 6/45.

Ang draw at paglalaro ng lotto ay ibinalik na sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine epektibo noong Agosto 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?