26

Aug 25, 2018 @ 14:41
By

Ultra Lotto jackpot, lumobo na sa mahigit P420M

Hindi pa rin nadale ang P420,202,552 jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na binola nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakakuha sa six digit combination na 04-27-49-16-47-41.

Matatandaang unang malaking premyo ng Ultra Lotto 6/58 ay umabot sa P331.9 milyong jackpot na nadale noong Pebrero 16, 2018.

Ang 6/58 Ultra Lotto game ay nira-raffle tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?