65

Sep 1, 2018 @ 13:02
By

Ultra Lotto 6/58 tataas pa ang jackpot sa P467M

Wala pa ring nakakatumpak para makuha ang mahigit P458-milyong piso na jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na ni-raffle Biyernes nang gabi.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Alexander Balutan, wala pang nananalo sa six-digit winning combinations nito na 03-30-38-19-54-07 na binola noong Biyernes.

Samantala, tumataginting na P467,068,348.00 ang magiging jackpot prize sa magaganap na raffle draw, Linggo ng gabi.

Ang 6/58 Ultra Lotto game ay nira-raffle tuwing Martes, Biyernes at Linggo. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?