67

Sep 22, 2018 @ 17:39
By

Ultra Lotto 6/58 jackpot, maaring umabot sa P700M

Nakakalula na kung aabot sa P700-Milyong piso ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa kaabang-abang na raffle draw sa Linggo, Setyembre 23.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan, habang tumatagal ay tumataas ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 dahil hanggang ngayon ay wala pa ring nakakatumpak sa six digit winning combination 06-47-41-55-28-10 na binola noong Biyernes para sa P679,409,304 premyo.

Asahan na aabot na sa P700 milyong piso ang jackpot prize ng 6/58 Ultra Lotto jackpot prize sa magaganap na pagbola ngayong LInggo.

Ang 6/58 Ultra Lotto game ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?