314
jackpot
Oct 4, 2018 @ 10:48
By

‘Ultimate’ 6-digit combination upang makuha ang 6/58 jackpot prize!

Halos walong buwan nang naging mailap ang six-digit winning combination ng Ultra Lotto 6/58, ngunit narito ang ‘ultimate tip’ upang mapadali ang pagkawagi niyo ang pinakamalaking lotto jackpot prize sa kasaysayan.

Tinatayang papalo na sa P885-milyon ang papremyo sa darating na Biyernes, Oktubre 5, at narito ang ilang datos na maaaring makatulong upang inyong makuha ang limpak na salapi.

Sa post ng reddit user na si kukote2, ibinahagi nito ang madalas na lumabas na numero sa bola ng 6/58.

Kung pagbabasehan ang kanyang graph na ginawa, saktong anim na numero ang namumuro para mapalapit sa asam na milyon, o posibleng bilyong piso.

Sa 96 na draw ng 6/58 buhat nang wala pang nananalo rito, limang numero ang may pinakamalaking tsansa na nabunot ng 15 na beses, Iito ay ang 7, 15, 34, 51 at 53.

Samantalang isa naman ang lumabas ng 14 na beses at ito ay ang number 18.

Kung pagsasamahin, ang combination na makakapagpalapit sa inyo sa milyones ay 7-15-18-34-51-53.

Para naman sa mga kailangang iwasan na numero, ito ay ang 12 na dalawang beses lang na lumabas, at ang 9, 42 at 52 na limang beses naman.

Kaya naman sa parating na Ultra Lotto 6/58 draw sa Biyernes, subukan niyo ang kombinasyong nabanggit upang mas lalong lumapit sa pagiging milyonaryo!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?