26
Ulo
By

Ulo ni ‘Sabog’ pinasabog

Sharing is caring!

Sabog ang ulo ng isang lalaki nang pagbabarilin ito sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat ng Makati City Police, nakilala lang ang biktima sa alyas na ‘Sabog’ at residente ng Barangay Pio del Pilar.

Nabatid na alas-11:40 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang security guard na sinabing may patay na lalaki sa kanto ng Faraday at P. Binay streets.

Sa pagsusuri sa bangkay, nagtamo ito ng tatlong tama ng bala sa ulo at posibleng kalibre .45 na baril ang ginamit.

Wala namang nakitang anumang iligal na bagay mula sa katawan ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?