94

By

Ulo ng lalaki napisak ng truck

Sharing is caring!

Basag ang ulo ng isang 27-anyos na lalaki nang mabundol ng truck ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Quezon City, Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ng Traffic Sector 3 ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima sa pamamagitan lamang ng ID nito na si Jomar dela Cruz.

Batay sa pahayag ng mga nakasaksi sa aksidente, ala-1:20 ng madaling-araw (Enero 10) ay sakay umano ng motorsiklo ang biktima at binabaybay ang kahabaan ng E. Rodriguez Avenue, nang salpukin ng truck na tumatawid sa kanto ng New York at Cambrige Sts., QC.

Tila pasuray-suray umano ang pagpapaandar ng biktima sa kanyang motorsiklo kaya bigla na lamang itong nabundol ng truck na hindi nakuha ang plate number at pumailalim ang rider sa sasakyan.

Sa halip na tumigil ay mabilis pa umanong pinasibat ng hindi pa nakikilalang driver ang minamanehong truck kaya nagulungan ang ulo ng biktima.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyaring aksidente habang pinaghahanap pa ang nakatakas na driver ng truck.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?