14

Jul 12, 2021 @ 13:30
By

ULAP nakiusap payagan antigen test ‘pag biglaan biyahe

Nanawagan ang Union of Local Authorities in the Philippines (ULAP) nitong Lunes sa pamahalaan na kung maaari ay payagan ang antigen testing bilang requirement sa mga pasaherong bumiyahe nang biglaan at kulang ang oras para sa RT-PCR test.

Ayon kay Quirino Governor at ULAP President Dakila Carlo Cua, mas matagal lumabas ang resulta ng RT-PCR, o swab test, kaya’t magiging sagabal ito sa mga biyaheng emergency.

“The PCR requires two days or more for the result to come out and we will honor two days validity of the test. Ganun ang protocols ng IATF. Now someone who is traveling under emergency will arrive. Hindi niya napagplanuhan, hindi sya nakapag-RT PCR, darating sa iyong border, syempre hindi mo na ma-RT PCR ‘yun,” wika ni Cua sa panayam ng ANC.

“Kaya nga ang sinasabi namin, kung ganoon at hindi nakapaghanda ang tao, i-allow na natin ang antigen [testing] upon arrival so that there is at least some form of screening at the border if the LGU thinks it has to be required, exactly for the traveler who has not been able to prepare kasi emergency ‘yung kanyang pagpunta,” dagdag pa ni Cua, na chairman din ng League of Provinces of the Philippines.Minungkahi rin ng gobernador ang pagkakaroon ng ‘bubble’ ng mga malalaking rehiyon, kung saan sila na ang magpapatupad ng parehas ng mga health and safety protocol. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?