74

Oct 21, 2020 @ 10:07
By

‘Ulan ayaw paawat, dolomite kapit lang!’

Apektado rin ang tinambak na dolomite sa Manila Bay sa ilang araw na pag-ulan sa Kamaynilaan at iba pang parte ng bansa dulot ng bagyong Pepito.

Sa ulat ni journalist Isa Avendaño-Umali, makikitang naanod sa synthetic white sand ang mga water lily at basura gaya ng plastik ngayong Miyerkoles ng umaga, Oktubre 21.

Lumitaw na rin ang itim na buhangin sa ilang parte ng nasabing baywalk.

Dahil dito, nagkomento si Cesar Chavez ng, “Kapit lang dolomite! Kapit lang.”

Si Chavez ang chief-of-staff ni Manila Mayor Francisco Domagoso.

Una nang dinepensahan ni DENR Undersecretary Benny Antiporda ang paglabas ng black sand sa Manila Bay “white sand beach” dulot ng masamang panahon.

Aniya, “Ang nangyari po talaga is wash in: pumasok po iyong itim na buhangin at pumatong sa puting dolomite.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?