50
PNP, Palasyo: Resulta ng SWS patunay na epektibo ang ‘War on Drugs’
By

Ukay-ukay, shabu ang nilalako

Kalaboso ang isang lalaki matapos mahuli sa pagbebenta ng iligal na droga gamit ang kanyang ukay-ukay na negosyo matapos ang ginawang anti-illegal drug bust ng Philippine Drug Enforcement Unit-Ilocos Region (PDEU-IR) sa Piddig, Ilocos Norte noong Miyerkoles.

Kinilala ni PDEU-IR officer P/Master Sgt. Harold Nicolas ang suspek na si Wilbur B. Jacinto, alyas Boying, ng Barangay San Esteban, Dingras, sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap umano ng intelligence report ang PDEU-IR na si Jacinto ang nag bebenta ng pinaghihinalaang shabu na ginagamit na pronta ang kanyang ukay-ukay na puwesto sa Barangay 2, Anao, Piddig.

Dito, agad na nagsagawa ng illegal drug bust ang PDEU at nakipag-ugnayan sa Piddig Police Station (PPS) at dito inaresto ang suspek ng isang undercover agent ng pulis.

Nakuha mula sa suspek ang mga plastic sachet na naglalaman ng shabu, drug paraphernalia at marked money na ginamit sa buy-bust.

Sinabi ng awtoridad, na aminado ang suspek sa kanyan iligal na gawain.

Napag-alaman na si Jacinto ang nag o-operate gamit ang kanyang ukay-ukay na negosyo sa Dingras, Sarrat at Piddig, Ilocos Norte.

Nakakulong ngayon ang suspek sa PPS at kasong anti-illegal drug act ang isinampa laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?