8

Feb 12, 2021 @ 13:02

UK variant case na natunton sa QC, Covid-negative na – mayor

Ang 35-anyos na residente ng Liloan, Cebu na nagpositibo sa B.1.1.7 variant ng coronavirus at natunton sa isang apartment sa Riverside, Barangay Commonwealth, Quezon City ay nagnegatibo na sa COVID-19 swab test.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte ngayong Biyernes, nagnegatibo ang lalaking pasyente sa isa pang swab test na isinagawa sa Hope Facility ng lungsod.

“Nilipat namin siya sa Hope Facility namin agad-agad at as of now, he tested negative already,” wika ng alkalde sa GMA.

Banggit ni Belmonte, na-trace na nila ang nasa 300 close contacts ng pasyente, kabilang ang 105 na naisailalim na sa coronavirus testing.

Posible aniyang magpatupad siya ng lockdown depende sa resulta ng mga test.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?