95

By ,

Uichico pokus sa MPBL, hindi ABL

Pinag-aaralan ng ASEAN Basketball League (ABL) na mag-expand mula 10 hanggang 12 teams sa pagbubukas ng 10th season ng regional league sa huling buwan ngayong taon.

Ayon sa isang source, may pitong aplikante ang nag-aabang sa pinal na desisyon ng liga at inaasahang dalawa ang tatanggapin.

Isa umano sa pitong aplikante ay mula sa Pilipinas na nasa ilalim ni Engineer Bong Zubiri na may-ari ng Bataan Risers sa MPBL.

Ang Bataan Risers ang nanguna sa eliminations ng MPBL Datu Cup hawak ang 23-2 na baraha at tinarak ang 14-game winning streak. Ilan sa mga manlalaro nito sina Gary David, Pamboy Raymundo at Robbie Celiz at pangungunahan ni PBA champion coach Jong Uichico.

Sabi ni Uichico, wala siyang alam sa application ng Bataan sa ABL dahil mas focus aniya siya sa susunod na season ng MPBL na tinuturing niyang isang bagong hamon para sa kanyang karera.

Para makasali sa ABL, ang isang franchise ay dapat may tatlong taon commitment sa liga at may entry fee na P6.5 million ($125,000) kada taon.

Ang ABL ay nagsimula na may anim na teams noong 2009-2010 at ngayon may 10 koponan na ito kabilang ang Indonesia, Singapore, Malaysia, Hong Kong, Macau, China, Chinese-Taipei, Vietnam, Thailand at ang Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?