6

Jan 9, 2021 @ 21:01
By

Uichico kumpiyansa kahit wala si Sotto

Ilalaban pa rin ni Gilas coach Jong Uichico ang kanyang koponan sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers kahit wala sa listahan si Pinoy NBA prospect Kai Sotto.

“We are confident that with the time given, we can come up with a team that can compete,” pahayag ni Uichico sa ulat ng Spin.ph.

Matatandaang nagbitaw ng salita si 7-foot-2 center Kai na babalik siya sa ‘Pinas para mapabilang sa national team at sumabak sa laro.

Gayunman ay naudlot ito nang magsabay ang iskedyul ng NBA G-League.

Bagama’t wala pang pinal na lineup ay asahang kabilang ang mga batang cager na sina Isaac Go, William Navarro at Justine Baltazar sa Gilas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?