glaiza
By

Uhaw sa pag-ibig, Glaiza maghahanap ng dyowa sa Australia

Sharing is caring!

Umalis kahapon, April 30 si Glaiza de Castro papuntang Australia para sa siyam na araw na bakasyon. Isang dating classmate ang kanyang pupuntahan na matagal na rin siyang inaaaya. Kaibigan niya ito noong high school, kaya excited din siyang makapunta.

May offer sa kanya ang GMA Pinoy doon for a side show pero dahil sa kakulangan sa paghahanda ay hindi na ito matutuloy. First time niya itong mag-abroad na mag-isa, pero kampante naman daw siya dahil ilang araw lang naman ito at sasagarin niya ang pagbabakasyon. Sayang nga raw at walang K-pop concert doon or else manonood talaga siya.

Tinapos din niya ang ilang episodes sa Contessa na bumobongga na ang rating para wala na siyang poproblemahin pa. Noong isang taon pa niya ipinagpaalam sa GMA ang bakasyong ito, kaya plantsado ang lahat ng kanyang schedule.

Biniro namin si Glaiza na baka may makilala siyang Aussie o Pinoy-Aussi­e doon na magpapatibok sa kanyang pu­so, pero natawa lang siya sa amin. Pero, on second thoughts, why not, devah?

Matagal na ring ‘uhaw sa pag-ibig’ ang puso ng Kapuso actress and it’s high-time na pagbigyan na rin niya ito. ‘Yun na!

Samantala, mangiyak-ngiyak sa Glaiza sa renewal of vows ng kanyang parents na ginanap sa Tagaytay.

Nasaksihan namin ang Christian wedding na ito nina Boy and Cristy Ga­lura na 38 years nang mag-asawa, na dinaluhan ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan. Kompleto rin ang magkakapatid na Galura sa kasalang ‘yun.

Walang celebrity na invited sina Glaiza except for Ellen Lising of Ellen’s Skin Care at ang Unang Hirit segment host na si Lhar Santiago na tumayong ninong at ninang.

Punumpuno ng kantahan ang kasalang ‘yun dahil lahat ng Galura siblings ay kumakanta pati na ang parents nila at mga pamangkin ni Glaiza.

Highlight siyempre ang pag-alay ni Glaiz ng kantang More Than You ng Carpenters na isa sa paborito ng kanyang parents.

Naging biruan nga sa gabing ‘yun na ikinasal na raw pala sina Boy Abunda at Cristy Fermin dahil ‘yun ang palayaw ng mag-asawa.

Nang alamin namin sa kanya kung ano ang pakiramdam niya sa renewal of vows, ang sagot niya ay: “Feeling bagets” sabay tawa.

Sobrang happy raw sila lahat dahil kitang-kita nila ang kaligayahan sa mag-asawa na lahat sila ay naiiyak lalo na nga nang banggitin ng mga ito ang pangako sa isa’t isa na “‘Till death do us part.” Dito, nagpalakpakan na ang mg tao.

Naiinggit ba siya? Tanong ulit namin si Glaiza.

Isang simpleng iling ang kanyang isinagot at sabay sabi na wala pa naman siyang dapat kainggitan dahil zero pa nga ang kanyang lovelife.

‘Yun na!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?