91

Oct 27, 2020 @ 15:30
By

Ugat nadale: Hepe ng pulis todas sa tari ng panabong

Patay ang hepe ng San Jose Municipal Police Station sa Northern Samar matapos itong matamaan ng tari ng panabong na manok sa isang raid sa tupada.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Christian Bolok ang raid sa tupada sa Brgy. Madugang Lunes ng hapon, kung saan nahiwa ang binti ng pulis ng tari ng isang manok.

Kaagad na dinala sa Northern Samar Provincial Hospital si Bolok, ngunit dineklara din itong dead-on-arrival.

Nang tingnan ang sanhi ng pagkamatay ng hepe, nakitang tinamaan ang femoral artery ni Bolok.

Sa nasabing raid, tatlong suspek ang nahuli, habang nakumpiska rin ang pitong manok at halagang P550 mula sa mga mananabong.

Nagluksa naman si Northern Samar Provincial Office Director P/Col. Arnel Apud sa biglaang pagkamatay ng police chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?