28

By

UFC lightweight belt ni Khabib, ligtas sa kabila ng rambulan

Sharing is caring!

Mananatili ang titulo ni Khabib Nurmagomedov, ito ay kahit nagpasimula ito ng free-for-all rumble matapos niyang talunin ang Irish fighter na si Conor McGregor sa UFC 229 noong nakaraang linggo.

Ngunit hindi pa rin ito makakatakas sa kastigo, ayon kay UFC President Dana White.

Mapapanatilo umano ng tubong-Dagestan, Republic of Russia ang kanyang belt, habang nakahanda naman ang suspensiyon ng Nevada Athletic Commission (NAC) na maaaring tumagal ng apat hanggang anim na buwan.

Kasunod pa nito, kinuha rin ng NAC ang kabuuang bayad ni Khabib para sa nasabing laban, na hindi pinaboran ni White.

“(The NAC) took his whole purse right now and they are talking about keeping his purse. I do not think that that should happen,” pakli ng UFC president. “You should not be able to keep his whole purse.”

Samantala, hinatulan din ng 30-day competition ban si Conor McGregor na mapapaso sa Nobyembre 6.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?