15

Nov 18, 2020 @ 11:34
By

Udenna Foundation pinakain mga Ulysses victim

Higit 2,000 evacuee sa Kasiglahan Village sa Montalban, Rizal ang binigyang-pagkain ng mga sundalo at ng Udenna Foundation, katuwang ang Montalban Disaster Risk Reduction and Management Office.

Sa isang press release, Nobyembre 15, sinabing inorganisa ng foundation ang “Tulong sa Kababayan, Tulong sa Montalban” na parte ng kanilang CommUnity Care program upang mabigyan agad ang mga biktima ng Bagyong Ulysses ng mas masustansiyang pagkain, habang nilalabanan ng bansa at ng daigdig ang pandemyang COVID-19.

Para sa caravan, hinanda ang nasa 2,000 packed meal na may kanin, adobong manok, at gulay. Pinagtulungan ito ng Wendy’s, Conti’s, Phoenix at Phoenix Super LPG, DITO CME, at WorkLink.

“Ever since the start of the pandemic, Udenna Foundation has been at the forefront of harnessing the collective resources of the Udenna Group under the CommUnity Care umbrella program to provide essential assistance to our countrymen during the pandemic. This food caravan of care is testament to Udenna’s commitment to be of service to the Filipino especially in troubled times,” sambit ni Udenna Foundation executive director Cherylyn Uy sa press release.

Ang UCARE o CommUnity Care ay programa ng Udenna Foundation na naglalayong makahanap ng interaksiyon sa iba’t ibang kompanya sa ilalim ng UDENNA upang pakainin, protektahan, at transportahan ang komunidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?