42

Dec 23, 2017 @ 18:32
By

UCLA players na nag-shoplift pinahaba ang suspension

Pinahaba pa hanggang sa kabuuan na ng season ang suspension nina UCLA freshmen Cody Riley at Jalen Hill.

Sina Riley at Hill, kasama ni LiAngelo Ball, ay nahuli na nag-shoplift sa China noong nakaraang buwan.

Umalis na ng eskuwelahan si Ball, kapatid ni Los Angeles Lakers rookie guard Lonzo Ball, kasama ng isa pang kapatid na si LaMelo ay piniling maglaro sa isang Lithuanian professional league.

Papayagan sina Riley at Hill na sumali sa team practices at non-game activities ng Bruins.

“I’ve told our players all along that actions have consequences, and the season-long suspension shows how seriously we take their misconduct,” anang statement ni UCLA coach Steve Alford.

Malaking tulong sa rotation ng players ang inaasahan kina Riley at Hill.

Sina Riley, Hill at Ball ay inakusahang nagnakaw ng Louis Vuitton sunglasses sa isang store sa China nang maglaro doon ang UCLA. Sa pamamagitan ni President Donald Trump ay nakalaya ang tatlo at nakabalik ng US.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?