95

Jun 4, 2019 @ 10:42
By

UCBL ‘di sangkot sa game fixing ng CEU – Comm Lim

‘Di sabit ang Universities and Colleges Basketball League sa kinasasangkutang pagbebenta ng laro ng pitong player ng Centro Escolar University.

Giniit ang bagay ni UCBL Commissioner Horacio Lim nitong Lunes, klinarong ni isa sa pitong pinangalanan ni Scorpions coach Frederick Pumaren wala sa lineup sa kasalukuyang torneo ng liga.

Ang mga kinilala ng CEU coach at umamin na rin sa game fixing ay sina John Lisbo, John Rojas, Keanu Caballero, Christian Uri, Jan Formento Tuyron Chan at Judel Fuentes.

Hinirit ni Lim, na summer league lang ang UCBL, maliit lang para pasukan ng sugal na napakaimposibleng mangyari, wala rin anila silang pamondo at ‘di nila tinuturo ang sugal sa mga estudyante kundi ang sports lang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?