44

Jun 20, 2020 @ 10:18

Ubos na ang ipon? Andrea nagtitinda ng polboron

Sumawsaw na rin si Andrea Torres sa mundo ng mga tindera ng pagkain online, at katuwang pa ang kanyang ina. Maaaring gusto ring kumita kahit paano ni Andrea, kahit hindi kasinglaki ng tinatanggap niyang talent fee bilang aktres o endorser, ngayong wala pa siyang trabaho sa GMA 7.

Makikita sa Instagram posts ni Andrea ang mga larawan ng mga polboron, bread pudding, stuffed mushrooms at cheese pimiento.

Ayon kay Andrea, ang mga nabanggit na pagkain ay paboritong gawin ng kanyang nanay, at nais niyang ibahagi at ipatikim sa mga netizen.

Kaya magkasundo sina Andrea at mommy ni Derek Ramsay dahil pareho silang mahilig magluto.

Samantala, umaapaw sa saya ang puso ni Andrea sa sobrang proud sa kanyang kapatid na si Angelie Loise, sa pagiging co-author nito sa isang study tungkol sa face mask na N-95.

Sa pangalan pa lang ng mga kasama ng sister ni Andrea, tila mga foreigner ang bumuo ng article tungkol sa isa kilalang face mask.

Nasulat ang article sa Royal Society of Chemistry, isang learned society sa United Kingdom, na may goal na “advancing the chemical sciences.”

Lumang kanta bubuhayin ng misis ni Matteo

Dala marahil ng success ng “Tala” bubuhayin muli ni Sarah Geronimo ang isa sa mga nauna niyang kanta noong nagsisimula pa lang siya sa entertainment industry.

Pinoste ni Sarah ang lumang music video ng awitin niyang “Sa Iyo”, na ayon sa kanya ay 17 years ago na mula nang ito ay ilabas sa market.

“Sa Iyo was released over 17 years ago. Grabe how time flies! Ang bilis ng panahon! Bagong bago pa ako sa industriya at struggle pa ako noon sa confidence lalo na sa shoot. I was so nervous and shy! Pero this was just the beginning at sobra akong thankful for all the blessings that came into my life.

“At para sa mga nakaka-appreciate ng Sa Iyo, stay tuned baka mag- refreshed version coming soon para sa inyo.”

Posibleng gawan ito ng bagong digital enhanced version at bagong choreography.

Kylie natomboy sa kaguwapuhan ni Glaiza

Sumakay na rin sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez, Gabbi Garcia sa viral trend na Face app. Isang fan ang nag-tweet ng mga larawan ng mga nabanggit na kuha sa pictorial nila sa Encantadia noon at idinaan sa Face app at ginawang lalake ang mga aktres.

Tinanong ng fan kung sino sa mga ito ang crush nila.

Si Kylie ay crush si Glaiza. Sa kanilang apat, siya ang pinakamaangas ang kakisigan, kaya siya ang pinili ni Kylie.

Anyway, parami nang parami ang gumagamit ng Face app para makita ang alter-ego nila pag sila ay lalake (para sa mga babae), at kung sila naman ay babae (para sa mga lalake).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?