65

Dec 10, 2017 @ 19:38
By

Ubial sabit din sa dengue vaccine scam – Gordon

Maari rin umanong managot si dating Department of Health (DOH) Sec. Paulyn Jean Ubial sa anomalya sa paggamit ng P3.5 bilyong halaga ng dengue fever vaccine.

Ito ang sinabi ni Sen. Richard Gordon, blue ribbon committee chair, dahil ipinagpatuloy pa rin nito ang paggamit ng Dengvaxia sa kanilang anti-dengue immunization program sa ilalim ng bagong administrasyon.

“Kung merong magte-testigo dapat si Sec. Ubial. Kasi pwede syang kasuhan rin eh, pinagpatuloy nya pa eh,” sabi ni Gordon sa panayam sa dzBB kahapon.

“In fairness to (House) Speaker (Pantaleon) Alvarez, nakausap ko sya recently, ang sabi nya bahala sya magpaliwanag sya (Ubial). ‘Kung ako (Panteleon) sa kanya, ituro nya kung sino nagsabi sa kanya (Ubial),” ayon kay Gordon nang makausap niya ang House Speaker.

Sabi ng senador, alam naman umano ni Ubial na ang certificate of product registration ay inisyu sa Sanofi ng Food and Drug Administration (FDA) noong Dec. 2015 at inaprubahan pa ng ahensiya ang pagbili ng dengue vaccine.

Ang FDA noon ay nasa ilalim na pamamahala ni Garin na noon ay officer-in-charge (OIC).

Sa kabila ng approval, ang nasabing bakuna ay hindi kasama sa lsitahan ng Philippine National Drug Formulary na nagbibigay ng listahan ng mga esensiyal na medisina na rehistrado ng FDA.

Sabi ni Gordon, nanahimik noon si Ubial nang unang imbestigahan ng Senado nitong kaagahan ng taong ito tungkol sa nasabing anti-dengue vaccine program ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?