104

Dec 14, 2017 @ 19:19
By

Ubial pinilit ng mister ni Garin na pondohan ang Dengvaxia vaccine

Dahil umano sa pagkontra ni dating Health Secretary Paulyn Ubial sa kontrobersiyal na dengue vaccination program kaya ito hindi nakalusot sa Commission on Appointments (CA).

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Ubial na pinilit siya ng ilang kongresista na badyetan ang programa pero alangan siya sa programa kaya may mga nadismaya sa kanya.

Tinukoy nito si Iloilo Congressman Oscar Richard Garin Jr. na mister ni dating Health Secretary Janette Garin.

Sa pagtalakay ng Kamara sa panukalang 2018 national budget, pinagsabihan umano siya ni Garin Jr. Na bumili pa ng maraming bakuna laban sa dengue.

“One of the representatives that asked me to buy more dengue vaccine is no other than Oscar ‘Richard’ Garin, Jr.,” sabi ni Ubial.

Umalma naman si Janette na nasa pagdinig din ng Senado.

Idiniin na maaring inalala ng kaniyang mister ang pagpapatuloy ng bakuna at iginiit ding wala silang impluwensya sa CA.

Sa minutes ng budget hearing na binasa ni Ubial, sinabi ni Richard Garin na badyetan ang ikatlong turok ng bakuna para hindi raw malagay sa alanganan ang una at ikalawang turok.

Ang dengue vaccine na binili ng gobyerno ay may tatlong beses na pagtuturok.

“Sino ba kami para impluwensiyahan ang Commission on Appointments? It’s an independent body that should not be dragged in pointing accusations at the Department of Health,” pahayag ni Janette.

Bukod dito, sinabi ni Ubial na pinagsabihan din siya ni Cebu Congresswoman Gwendolyn Garcia na dalhin sa balwarte nito ang bakuna kontra dengue.

Sinabihan ni Senador Richard Gordon si Ubial na hindi niya nakikitang “pressure” ang hirit ni Garcia at maaring inalala lamang ni Garcia ang kaniyang mga kababayan.

Pero ayon kay Ubial, sadyang hinarang siya sa CA dahil sa isyu sa dengue vaccine.

“I’m positive that my confirmation was prejudiced by this issue that I strongly and openly opposed at the start, and when I was Health secretary I tried to do damage control,” sabi ni Ubial.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?