50

By

Ubial kumasa sa kasong inihain ni Garin

Naghain ng counter affidavit sa Department of Justice (DOJ) si dating Health Sec. Paulyn Ubial sa pamamagitan ng kanyang abogado.

Ang nasabing kontra salaysay ay una nang pinanumpaan ni Ubial noong Miyerkules dahil siya ay kasalukuyang nasa conference sa Vietnam.

May kaugnayan ang kaso ni Ubial sa reckless imprudence resulting in homicide na isinampa ni dating Health Sec. Janette Garin kaugnay ng Dengvaxia controversy.

Una nang inakusahan ni Garin si Ubial na responsable sa pagkamatay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Ito ay dahil si Ubial daw ang nagpalawak ng community-based dengue immunization program habang si Garin ay school-based program lamang.

Sa kanyang counter-affidavit, iginiit naman ni Ubial na ang Dengue Vaccine Advisory Group at ang DOH Core Executive Committee ang nagrekomenda na palawakin ang dengue immunization program.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?