37

Dec 17, 2017 @ 13:58

Uber pinapapaliwanag ng NPC sa ‘data breach’

Hinihingan ng National Privacy Commission (NPC) na paliwanag ang Uber Phils., hinggil sa mga ginawang hakbangin nito ukol sa malawakang data breach kaugnay sa personal data ng kanilang 171,000 pasahero at drivers noon pang nakaraang taon.

Sinabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro na ipinatawag na niya ang mga opisyal ng Uber para ipaliwanag ang ipinatutupad nilang ‘security measures para protektahan ang kanilang mga pasahero at driver.

Magugunita na noon lang nakaraang buwan, isinapubliko ng Uber na pinakialaman ng ‘hackers’ ang kanilang system, na naglalaman ng mga detalye ukol sa kanilang mga pasahero at drivers.

“We understand this to be based on the mobile phone numbers included in the registry. We were also informed that the exposure of the affected data subjects was limited to their registered name, e-mail address, and phone number,” ani Liboro.

Sinabi pa nito na partikular silang interesado sa mga ginawang hakbangin ng Uber matapos mangako ang transport vehicle company (TNC) na hindi na mauulit ang insidente.

Kasabay nito, ipinaalala din ni Liboro na ang pagtatago ng data breaches sa mga personal informations ay itinuturing na krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?