29
uber
Jan 10, 2018 @ 19:25
By

Uber, Grab bubuksan ang bitbit na packages ng mga pasahero

Huwag nang magtaka ang mga kliyente ng Grab, Uber at iba pang nasa transport network vehicle service kung sa pagpapadala nila ng packages ay oobligahin silang magpakita ng ID at buksan ang ipapadala nilang package.

Pumasok sa kasunduan ang Uber, Grab at U-Hop sa Phiippine Drug Enforcement Agency at Land Transportation Franchise and Regulatory Board para maiwasan na magamit bilang drug courier ang kanilang mga driver ng mga sindikato.

Ayon kay PDEA Director Gen. Aaron Aquino sinamantala na ng mga sindikato ang TNVS kayat nais na nila itong matigil.

Sinabi naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra II gagamitin na rin nila ang teknolohiya para mahuli ang mga sangkot sa droga na ginagamit ang TNCs sa pagpapakalat ng mga droga.

Nangako naman sina Laurence Cua, ng Uber; Brian Cu, ng Grab at Nicolas Laude, ng UHop na mahigpit nilang susundin ang nilalaman ng kasunduan at isusumbong ang kanilang mga kahinahinalang kliyente.

Maghihigpit na rin sila sa pagkuha ng kanilang mga driver at hihingian nila ang mga ito ng mga clearances bukod sa pagsasailalim sa regular na drug testing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,