44

Oct 16, 2017 @ 16:29

‘Uber charge’ kinuyog sa social media

Nakadagdag sa kumukulong dugo ng mga naapektuhan ng tigil-pasada ng mga jeep ang pagtaas ng singil sa pasahe sa Uber at Grab.

Idinaan sa social media ng mga netizens ang kanilang galit hanggang sa makarating sa atensyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang surge charge ng dalawang transport network companies (TNCs).

Dakong alas-10:30 ng umaga nang iparating ng Grab at Uber kay LTFRB Board Member at spokesperson Aileen Lizada na itinigil na nila ang paniningil ng surge charge.

Napuna na sumabay sa rush hour ang mataas na singil sa pasahe ng Uber at Grab.

Ang surge charge ay tumataas kapag mataas ang demand para sa mga TNVs.

Nag-alok pa ang Grab ng diskuwento sa Grabshare o sa kanilang carpooling scheme. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?