13

By

Uber, Angkas out: Gaano kahirap maging commuter sa Pilipinas?

Sharing is caring!

Tumataas na pamasahe, bumibigat na trapiko, masikip na public railway system, ilan lang ito sa hinaing ng mga pasahero sa araw-araw na pagko-commute sa Pilipinas.

Sa pag-aaral na ginawa ng Boston Consulting Group (BCG) noong 2017, isang global firm, nakita na pangatlo ang Pilipinas sa may pinakamalubhang trapiko sa buong Southeast Asia.

Tinatayang 66 minuto, o lampas isang oras, ang dinaranas ng mga commuter na traffic sa Metro Manila, bahagyang mas unti sa Jakarta, Indonesia (68 minuto) at Bangkok, Thailang (72 minuto).

Minsan ay dumudoble pa sa 66 minuto ang nararanasang traffic sa kalsada, na mapapansin tuwing rush hour sa umaga at gabi, ang oras kung saan papasok o pauwi ang karamihan ng mga empleyado at estudyante.

Ngunit base din sa pag-aaral na ginawa noong 2017, may tsansang bumaba ang numerong ito dahil sa pag-usbong ng mga ride-sharing app tulad ng Uber, Grab at Angkas.

Ngayong 2018, ang nakikitang pag-asa ng Pilipinas para bahagyang maibsan ang trapiko ay sumandal na lang sa iisa, ang Grab.

Tumigil operasyon na ang Uber sa ‘Pinas matapos itong mabili ng Grab, habang ang motorcycle ride-hailing app naman na Angkas ay binakuran din ng Korte Suprema at ilang transportation agency dahil batay sa Konstitusyon ay bawal gamitin ang mga two-wheeled vehicle bilang public transportation.

“Our position is that motorcycles registered in the service are not authorized to conduct business and offer public transport under Republic Act 4136. For them to be allowed, the law has to be amended by Congress,” saad sa joint statement ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Kaya naman karamihan sa mga mananakay ay nagtatanong, kailan maiibsan ang maladelubyong trapiko sa Pilipinas?

Sa Facebook post ni Saki Comandao, kanyang inilarawan ang tila bulag at hindi madinig na hinaing ng mga commuter ng gobyerno.

Maraming proyekto ang gobyerno para sa infrastrature projects, ilang dagdag railway system, subway at road improvement ang plano ng administrasyon.

Ngunit lahat ng ito’y taon ang aabutin bago matapos, hanggang kailan magtitiis ang mamamayang Pilipino para makauwi sa kanilang mga tahanan na may panahon pa para sa kanilang mga kaibigan at pamilya?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?