46

May 1, 2020 @ 22:12
By

UAE nag-donate ng 7 toneladang medical supply sa ‘Pinas

Pinangunahan ni Philippine Ambassador to the United Arab Emirates (UAE) Hjayceelyn Quintana ang Filipino community sa pagpapasalamat sa UAE sa pagpapadala nito ng tulong para sa mga frontliner sa Pilipinas.

Ayon sa UAE government sa ulat ng PNA, pitong metriko toneladang medical supplies ang ipinadala nila sa bansa noong Abril 29 sakay ng eroplano.

Ani Quintana, hindi ito ang unang pagkakataon na naghatid ng tulong sa Pilipinas ang UAE.

Nagbigay din ng $10 milyong donasyon ang UAE nang manalasa ang bagyong Yolanda sa Pilipinas taong 2013.

Nitong taon naglunsad naman ang Emirates Red Crescent ng kampanya kasama ang Philippine Embassy para matulungan ang may 200,000 na pamilyang apektado ng pagsabog ng Taal Volcano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?