11

Jan 15, 2021 @ 19:27
By

UAE, Hungary kasama na sa mga travel restriction sa ‘Pinas

Kabilang na ang United Arab Emirates (UAE) at Hungary sa mga bansang sakop ng travel restriction sa bansa.

Inaprubahan ang travel restrictrion, na magsisimula Enero 17 hanggang 31, ng Office of the President ani presidential spokesperson Harry Roque.

Agad namang inabusihan ang lahat ng mga foreign traveler na dumating sa bansa bago mag-Enero 17 na agad na sumailalim sa 14 araw facility-based quarantine.

Makakapasok naman ang mg Pilipino sa bansa basta’t sumailalaim lamang sa 14 araw facility-based quarantine kahit pa magnegatibo sa resulta ng RT-PCR test.

Una nang pinalawig ng gobyerno hanggang Enero 31 ang mga travel restriction sa 32 bansa upang maiwasan ang pagkalat ng bagong COVID-19 variant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?