lady-spikers

UAAP women’s volleyball: La Salle dinomina ang Ateneo

Sharing is caring!

Winalis ng defending champion La Salle ang kanilang huling pitong laro, ang huli ay ang pagwasiwas sa karibal na Ateneo, 26-24, 25-17, 25-19, sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena.

Tutulak ang first seed Lady Spikers sa Final Four sa kartadang 12-2 habang nagkasya ang Lady Eagles sa third spot sa 9-5 win-loss record.

Makakatapat ng Lady Spikers sa semifinals ang fourth seed National University Lady Bulldogs (7-7) habang makakalaban naman ng Lady Eagles ang second seed Far Eastern University (10-4).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?