19

Feb 14, 2018 @ 16:59

UAAP volleyball: Lady Falcons nakaisa rin sa Lady Maroons

Nakatikim rin ng unang panalo ang Adamson University sa loob ng tatlong sa University of the Philippines, 25-9, 27-25, 25-20 sa UAAP Women Indoor Volleyball competition kanina sa The Arena sa San Juan.

Huling nanalo ang Lady Falcons sa Lady Maroons noong Season 77 sa elimination round.

Naitala ng Adamson ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa tatlong laban para sa ikatlong puwesto sa likod ng wala pang mga talong National University (3-0) at La Salle (2-0).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?