45

By

UAAP starts rumampa sa Millenial Ball

Sharing is caring!

Ilang kilalang players ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang rumampa at dumalo sa katatapos lang na Mega Magazine’s Millennial Ball kagabi sa Marquis Events Place, Taguig.

Hindi nagpahuli ang mga atleta at kung todo porma ang mga ito sa nasabing pagtitipon.

Dumalo sa nasabing pagtitipon ang magkasintahan at dating Ateneo de Manila players na sina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, na talaga namang pinaghandaan nila ito.

Maging ang kilalang setter na si Kim Fajardo ay namataan din suot ang isang green suit at ilang La Salle players gaya ni Majoy Baron, Kim Dy, Dawn Macandili, Desiree Cheng, Aduke Ogunsanya at Michelle Cobb naroon din.

Pati si dating Ateneo volleyball player na si Rex Intal ay nasa pagtitipon din kasama ang kanyang kasintahan na si Cia-Cia Mendoza.

Kinilala naman ng Mega Magazine, ang organizer ng event, si La Salle coach Ramil de Jesus at DLSU Lady Spikers bilang MEGA NewPH awardee for Sports. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?