22

Mar 14, 2020 @ 19:37
By

UAAP Season 82 tigil ang aksiyon

Tigil aksyon muna ang mga laro sa UAAP Season 82 hanggang Mayo 1 dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng biktima ng coronavirus o COVID-19 sa bansa.

Sa nilabas na advisory ng liga kahapon ay pinaplantsa na umano nila ang pagsasagawa ng alternatibong format ng kumpetisyon upang mairaos pa rin ito kahit na may mga kanselasyon.

“The UAAP intends to do the greater good for the greater number, without disregarding the hard work of its coaches and student athletes. We thank you for your patience and understanding in this most trying of times.”

Kasabay nito ay patuloy pa rin aniya sila sa pakikipag-ugnayan sa anumang kautusan ng pamahalaan.

“We will continue to coordinate with lead government agencies to determine the protocols for the safety of everyone in or connected with the UAAP community,” saad sa statement.

Damay sa kanselasyon ang mga isport na volleyball, football, tennis, athletics, softball, baseball at 3×3 basketball.

Kahapon lang ay nadagdagan uli ng 34 pang kaso ng coronavirus sa Pinas kaya sa kabuuan ay umaabot na ito sa bilang na 98 kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?