27

Sep 1, 2020 @ 21:39

UAAP pag-aaralan pa report ng UST, NU

RP

Wala pang aksyon na ginawa ang UAAP kaugnay sa umano’y training ng men’s basketball team ng UST, at women’s volleyball squad ng NU.

Sa nilabas na pahayag ng collegiate league, natanggap na nila ang kopya ng report ng UST na kanilang pinasa sa ilang government agency.

Sumagot na rin ang NU sa mga tanong patungkol sa posibleng paglabag sa quarantine protocol at magbibigay din ng report sa liga.

Dumalo ang NU at UST sa meeting kasama ang mga representative ng Philippine Sports Commission, Games and Amusement Board at Department of Health para talakayin ang umano’y pag-eensayo sa kabila ng pinairal na community quarantine kung saan pinagbabawal ang training ng mga koponan, partikular ang mga non-professional.

Sa Huwebes tatalakayin ng UAAP Board of Managing Directors ang report ng dalawang unibersidad bago magbigay ng karampatang aksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?